Anak Kailangan ng Psychiatrist

Dear Vanezza,

Isang masayahin ang anak kong lalaki. Pero nabigla akong malaman na nagtangka siyang maglaslas ng pulso. Dahil nahihiya siya sa bagsak niyang grades na hindi niya masabi sa akin. Hindi na rin daw niya makayanan ang toxic nitong GF na walang ginawa kundi ang magselos kahit sa mga barkada ng anak ko. Paano ko ba matutulungan ang anak ko?

Nanay Len

Dear Nanay Len,

Mahalagang humingi ng professional na tulong sa isang doktor, psychiarist, o sa kanilang guidance counselor sa school upang matulungan ang anak na dumaan sa counseling na kanyang kailangan. Kausapin at lagi ring kausapin ang anak upang mailabas nito ang kanyang mga hinanakit, takot, at pagkabalisa. Higit sa lahat ay turuan siyang manalangin upang magkaroon siya ng kapayapaan sa kanyang puso.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments