Serbesa sa bagong panganak na nanay

Bawat kultura ay may iba’t ibang tradisyon pagda­ting sa pagdiriwang ng pagbubuntis at pagkakaroon ng baby bilang pagkilala sa kadakilaan ng mga nanay sa buong mundo.

Ang pagbubuntis at panganganak ay universal na karanasan, pero bawat kultura ay nagdiriwang sa pagsalubong ng sanggol sa kani-kanilang paraan.

Katulad sa Turkey na sini-celebrate ang pagdating ng bagong sanggol at para magkaroon ng pagdaloy ng gatas ng ina.

Bale ba, ang nanay ay umiinom ng tradisyonal na inumin na tinatawag na lohusa serbeti na “postpartum sherbet”. Ito ay gawa sa tubig, sugar, cloves, cinnamon, at red food coloring. Ito ang unang ibinibigay sa bagong ina sa ospital.

Walang baby shower hanggang hindi pa isinisilang ang maliit na sanggol.

Sina mommy at baby ay mananatili sa bahay ng 20 days pagkatapos ng pagkapanganak. Ang mga kaibigan ay isa-isang dadalaw upang lumugok ng serbeti. Kapag lumipas na ang 20 days, puwedeng nang dumalaw sina mommy at baby sa mga magbibigay ng regalo upang makatanggap ng panyo na punung-puno ng candy at ibang gamit para sa sanggol na may kasamang itlog bilang simbolo na maging healthy ito sa paglaki.

Ang host ng baby shower ay pupunasan ng harina ang pilikmata at hairline ng sanggol upang magkaroon ito ng mahabang buhay.

Show comments