Natural instinct sa pagbibigay ng regalo

Ang mga magulang at sina lolo o lola ay na­tural na gustong ibigay ang bagay sa mga bata. Gusto natin ang mga anak na magkaroon ng magandang damit at mag-enjoy sa kanilang buhay. Masayang makita na mayroong silang kaibigan at puwedeng maging sikat ang anak.

Pero ang mga wise na parents at grandparents ay hindi agad sinusunod ang bawat natural instinct.  Pinag-iisipan munang mabuti ayon na rin sa maturity ng anak. Maaaring sina lolo at lola ay naaaliw  sa pagbibigay ng  luho sa kanilang mga apo, pero ang matatalinong grandparents ay hindi gagawin o ibibigay ang lahat na mga bagay kung ipapahamak lamang ng mga bata.

Nakatutuksong ibi­gay ang mga gusto ng mga apo, pero kalaunan kapag pinag-isipan ay nagsisisi sa huli dahil puwedeng maging hadlang ito sa moral at spiritual na buhay ng mga anak.

Importante na huwag kunsintihin ang kanilang pride sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo. Ang pride of life ay characteristic ayon sa mundo.

Huwag din palakihin sa luho ang mga anak ayon sa tawag ng mundo. Mag-ingat sa pagbibigay ng regalo. Kalimitan sa mga toys ngayon ay direktang base sa mga napapanood sa TV at movies.

Kahit ang mga manika ay hindi inosente na walang kaugnayan sa kanilang idols sa TV. Huwag busugin ang anak na maging sakim; sa halip na turuan ang bata na matutong maging kuntento kung anong meron sila.

Isang pruweba na tagumpay ang pagtuturo sa anak, na kapag dinala sila sa  mall ay hindi magwawala o magmamaktol na ibili sila ng mga bagay na nakikita nila sa store.

Huwag din hayaang maging makasarili ang anak, kundi turuan na magkaroon ng malasakit sa ibang tao. Mag-ingat nga sa mga binibiling laruan na dapat ay wholesome, dahil namamalayan na nakukuha na rin ng bata ang maling ugali at kultura ng kanilang iniidolo. Ingatan ang pagbili ng mga damit. Ang best na paraan sa pagtuturo sa teenager ay magsuot ng modest na magsisimula habang sila ay toddlers pa lamang.

  Huwag bihisan ang mga toddlers at bata ng mga style na ayaw mong isusuot nila kapag teenager na ang mga anak.

Higit sa lahat ay mag-ingat sa mga electronic devices. Puwedeng maging blessing o sumpa ang cell phone o gadgets. Depende sa spiritual na kondisyon ng mga anak sa bahay at  environment sa kanilang eksuwelahan.

Show comments