^

Para Malibang

Lola na may Alzheimers, nag-ala-Spiderman sa isang condo building!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Kumalat sa social media ang nakakagulat na footage kung saan makikita ang isang 90 anyos na matandang babaeng bumababa sa isang condo building mula sa 14th floor.

May Alzheimers daw ang matanda at tumakas lamang daw ito sa kanilang tahanan na nasa 14th floor matapos daw siyang ikandado ng sariling pamilya dahil sa kanyang kondisyon at kaligtasan.

May dala-dalang bag ang matanda na isa palang kumot, binalot niya lang ito at doon inilagay ang mga kagamitan. Meron din siyang dalang bakal at iyon ang kanyang ginamit bilang hagdan pababa.

Agad naalerto ang mga residente at tumawag ng rescue team para mailigtas ang matanda at agad naman ding dumating ang tulong.

Naglatag ang rescue team ng inflatable mattress sa sahig para kung sakaling malaglag ito ay masalo nila kaagad.

Sa awa ng Diyos, nasa ika-limang palagpag na raw ang matanda nang bigla itong tumigil, sakto namang nakita siya ng isang pamilyang nakatira doon at agad na kinuha.

Maayos na ang lagay ng nasabing lola at naibalik na ito sa kanyang pamilya. Todo naman ang pasasalamat ng mga ito sa lahat ng tumulong at natutunan na raw nila ang kanilang leksyon.

vuukle comment

ALZHEIMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with