^

Para Malibang

Aswang at ang kanilang uri...

MRYOSO - Pang-masa

Illustrations by Julius Arboleda

Isa ang Aswang sa mga kilalang nilalang sa ating Philippine mythology.

Ayon sa mga matatanda, magaling daw itong magbago ng anyo at mang­gaya. Ang iba ay marunong lumipad, habang ang iba naman ay hindi.

Ayon sa research ng The Spirits of the Philippine Archipelago, narito ang ilan sa mga uri ng pinaniniwalaan nilang aswang:

Ang Yanggaw o Ba­gong Yanggaw ang tawag sa mga bagong aswang, habang Kalibonan naman ang tawag sa mga matatandang aswang ng kanilang uri.

Kiwig ang uri ng aswang na nabubuhay bilang isang normal na tao sa umaga at nagiging aso, baboy ramo, o malaking pusa sa gabi.

Mambababoy naman ang tawag sa mga aswang na baboy lamang ang kinakain.

Ang Mandarangkal naman ay nang-aakit ng kalalakihan para gawing biktima.

Mahahabang buhok naman ang gamit ng Kubot upang patayin ang kanyang biktima.

Ang mga Aswang na Gala ay naghahanap ng mga taong may sakit upang ito ang kanilang kainin.

Ang Agalon Hayopan naman ay uri ng aswang na gumagamit ng mga buwaya upang mag-hunt ng mga tao, habang ang Tigabulak ay nangunguha ng mga bata at saka isisilid sa sako na nasa kanilang likod.

Ilan lamang yan sa kanilang nakalap at marami pa tayong hindi alam sa kanilang mundo, hindi natin namamalayan, maaaring ang iba sa mga nakakasalamuha natin ay isa pala sa mga nabanggit.

URI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with