Humihingi ngayon ng danyos ang isang babaeng nakakuha diumano ng cotton ball mula sa kanyang ilong matapos niyang bumahing.
Pinaniniwalaang naiwanan ito ng surgeons sa loob ng kanyang ilong matapos niyang magpa-nose job, anim na buwan na ang nakalilipas.
Ang babaeng nagngangalang Zhu ay sumailalim sa rhinoplasty sa isang local na plastic surgery clinic sa Jiangxi, China noong October 2018.
Gumastos siya ng 26,000 Chinese yuan o mahigit na 200,000 pesos para sa procedure, pero hindi siya nasiyahan sa resulta.
Ayon sa biktima, nakaramdam na raw siya noon pa ng discomfort sa kanyang ilong mula nang matapos ang operasyon.
Inireklamo niya ito at agad namang inayos ng clinic, pero hindi pa rin daw nagbago ang kanyang pakiramdam.
Ganunpaman, nalaman naman agad ng nasabing babae ang dahilan kung bakit kakaiba ang kanyang pakiramdam.
Ito ay dahil sa mabaho at nabubulok nang cotton ball sa loob ng kanyang ilong, na kung hindi pa niya naibahing ay baka lalo pa itong lumala.
Tulo raw ng tulo ang kanyang dugo mula sa kanyang ilong.
“The cotton ball was covered with blood and was rotten and smelt bad.
“Then a lot of blood came out of my nose. I noted that it must have been left by one of the plastic surgeons from the clinic during the rhinoplasty,” ani Zhu.
Humihing ngayon ng 100,000 Chinese yuan o mahigit kalahating milyong piso ang biktima bilang kabayaran sa ginawa sa kanya.
Pero dadaan pa raw ito sa legal na paraan para mapatunayan kung totoo nga ba ang sinasabi niya.