^

Para Malibang

Nabubulok na bulak, nakuha sa ilong ng babae

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Humihingi ngayon ng danyos ang isang babaeng nakakuha diumano ng cotton ball mula sa kanyang ilong matapos niyang bumahing.

Pinaniniwalaang naiwanan ito ng surgeons sa loob ng kanyang ilong matapos niyang magpa-nose job, anim na buwan na ang nakalilipas.

Ang babaeng nag­nganga­lang Zhu ay sumailalim sa rhinoplasty sa isang local na plastic surgery clinic sa Jiangxi, China noong October 2018.

Gumastos siya ng 26,000 Chinese yuan o mahigit na 200,000 pesos para sa procedure, pero hindi siya nasiyahan sa resulta.

Ayon sa biktima, nakaramdam na raw siya noon pa ng discomfort sa kanyang ilong mula nang matapos ang operasyon.

Inireklamo niya ito at agad namang inayos ng clinic, pero hindi pa rin daw nagbago ang kanyang pakiramdam.

Ganunpaman, nalaman naman agad ng nasabing babae ang dahilan kung bakit kakaiba ang kanyang pakiramdam.

Ito ay dahil sa mabaho at nabubulok nang cotton ball sa loob ng kanyang ilong, na kung hindi pa niya naibahing ay baka lalo pa itong lumala.

Tulo raw ng tulo ang kanyang dugo mula sa kanyang ilong.

“The cotton ball was covered with blood and was rotten and smelt bad.

“Then a lot of blood came out of my nose. I noted that it must have been left by one of the plastic surgeons from the clinic during the rhinoplasty,” ani Zhu.

Humihing ngayon ng 100,000 Chinese yuan o mahigit kalahating mil­yong piso ang biktima bilang kabayaran sa ginawa sa kanya.

Pero dadaan pa raw ito sa legal na paraan para mapatunayan kung totoo nga ba ang sinasabi niya.

PLASTIC SURGERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with