Maling diskarte sa renovation ng tahanan

Ngayong summer ay sinasamantala ng mga tao ang pagpapatayo o pagkukumpuni ng mga bahay. Upang samantalahin  ang mainit na panahon lalo’t may inilaan na budget para sa renovation o project sa bahay.

Marami ang nag-aa­kala na sapat na ang magkaroon ng budget sa planong gagawin sa tahanan. Kailangang matutunan ang ilang tips upang hindi magsisi sa huli.

Payo ng mga experts, hanggang maaari ay huwag munang umalis ng tahanan bago ang plano ng overhaul.

Pag-aralan mabuti ang detalye kung saan gustong ilagay ang mga project na ipapagawa sa bahay. Halimbawa kung ang kusina ang target, saan ba ilalagay ang kalan, butas ng tangke, ang lababo, gaano kahaba, saan ilalagay ang refregerator, ang saksakan o outlet, at iba pang detalyadong pag-aayos ng iyong kusina.

Mapapansin ang simpleng kumpuni lang ng isang parte ng bahay ay bigla napaparami pala ang dapat i-renovate kahit sa isang kuwarto lamang. Kung kaya ang inaasahang budget ay nai-strecth dahil sa mga sorpresang gastusin. Pagbakbak pa lang ng isang dingding o kisame ay mas kumplikado pa pala kaysa sa inaasahan.

Mahalaga na sa simula pa lang ay maghanap na ng tamang tao na puwedeng interrior designer, architect, o mahusay na karpintero na sabihin sa kanila ang saktong planong ipapagawa. Ipatingin na lahat ang area na gagawin. Ipa-itemize na ang detalye ng mga materyales na kailangang bilhin.

Dapat sa  kilala o rekomendadong professional lang hihingi ng tulong kung magpapagawa ng bahay upang hindi masayang  ang effort, pera, at panahon.

Hindi baleng mahal o mataas ang singil na ayon lamang sa kanilang professional fee, kaysa sa kakatipid sa mumurahing materyales o sa hindi mahusay na karpintero ipagkakatiwala ang construction at kaligtasan nang ipagagawang tahanan o building.

Higit sa lahat ay tutukan ang paggawa sa bahay na huwag iiwan ang mga taong gumagawa sa inyong tahanan.

Kahit pa malaki ang iyong tiwala sa gagawa ng renovation. Kung hindi maiiwasan ay mag-iwanan ng taong may alam at maasahan upang bantayan ang construction sa iyong tahanan. Dahil laging naglalaro ang daga, kapag wala ang pusa.

Marami nang indibidwal ang nagsisisi sa pagpapagawa ng kanilang tahanan. Kung present ay maiiwasan ang miscommunication sa pagitan ng construction worker o engineer kung bantay sarado habang ginagawa ang dream renovation  na iyong pinapangarap.

 

Show comments