Karamihan sa mga recipe, kakaunti lang ang gamit ng ilang liquid ingredients kaya marami ang nasasayang. Minsan ay ilang kutsara o tasa lang ang kinakailangan. Kaya naman may tip kami para hindi kayo masayangan sa paggamit ng mga ingredients. Halimbawa ay kinakailangan lang ng 6 na kutsarang wine sa recipe. Para itago ang tirang wine ay i-freeze ito sa ice cube tray para sa susunod na gamit ay per cube na lang ang inyong gagamit.
Samantala, epektibo rin ang tip na ito sa paggawa ng smoothies. Hindi tayo palaging nakakapunta sa palengke para makabili ng mga prutas maging ng gulay para gawing shake.
Maaari itong freeze. Pero bago ang lahat, hatiin muna ang mga ito at ilagay sa malinis na ziplock/airtight plastic.
Kung paborito niyo namang gumamit ng gulay bilang sangkap sa smoothies, i-blend muna ito at saka ilagay sa lagayan ng ice cubes at saka i-freeze.