Sa ilang araw ng pagkakasakit ay mahirap malaman ang mga signs ng bronchitis mula sa karaniwang trangkaso.
Ang bronchitis ay isang infection sa daluyan ng airways sa baga dahilan sa na-irritate ito.
Ano nga ba ang mga sintomas ng bronchitis?
1. Matinding ubo
2. Ang plema ay puwedeng puti, yellowish-gray, o green ang kulay na minsan ay may kasamang dugo.
3. Pagod
4. Kinakapos ang hininga
5. May lagnat
6. Nanginginig
7. Masakit ang dibdid
Ang ibang kaso ng acute bronchitis ay gumagaling kahit walang treatment na natatapos sa loob ng ilang linggo. Dahil ang bronchitis ay resulta ng viral infection na minsan ang antibiotics ay hindi ganun kaepektibo.
Pero kapag may suspetsa ang doktor ng bacterial infection ay puwedeng bigyan ng prescription na antibiotic.