^

Para Malibang

Kainan sa ilalim ng karagatan

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Kakaiba ang sinasabi nilang pinakamalaking Undersea Restaurant na matatagpuan sa Maldives, ang 5.8 Undersea Restau­rant.

Bago makapasok sa nasabing kainan, kakai­la­nganin munang mag­tanggal ng sapatos o magyapak at hindi kayo maaa­ring mag-usap ng malakas ng iyong kasama habang kayo ay kumakain.

Kailangan kasing ma-appreciate ang marine life, ang mga naggagandahang coral reefs at ang iba’t ibang uri ng isda na sumasabay sa paglangoy habang ikaw ay kumakain.

Nagbukas ang resto na ito noong 2016 at ito ang world’s largest all-glass underwater restaurant. Nakuha ang pangalan nito sa kanyang lalim at kung saan ito nakapuwesto – 5.8 meters (mahigit 19 ft) below the surface. Kinailangan ng mala­kihang construction dito at nilagyan nila ng pabigat na 400 metric tones at may lawak na 90 square meters.

Para makakain sa loob, kinakailangan ding pasukin ang napaka­habang daanan at mataas na hagdan para makarating sa mesa. Tiyak mag-e-enjoy habang nag­­lalakad dahil sa nakakamanghang ganda ng karagatan.

Ang bawat mesa ay nasa tabi ng mga salamin para mas lalong makita at ma-enjoy ang mga kakaibang isda. Pagda­ting sa pagkain ay walang masabi ang German chef na si Bjoern van den Oever dahil katulad ng kanilang lugar, ginawa rin nilang exciting ang kanilang bawat inihahaing pagkain.

“It’s a lot of pressure. You have to keep up with the surroundings, you don’t want people getting bored by the food. So we have to always keep the food exciting as well.”

KARAGATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with