Kamatis, pakwan, at bayabas sa mukha

Ang lycopene ay isang uri ng anti-oxidant na nagpa­patibay ng ating capillary walls na makikita sa ating balat.

Ang lycopene ay kadalasang makikita sa kamatis, pakwan, guava, papaya, at iba pa.

Ang mga ito ay sagana rin sa Vitamin C na makatutulong para mabawasan ang taghiyawat/acne.

Naturally acidic naman ang kamatis kaya maibabalanse nito ang kutis at mababawasan ang sobrang magka-oily. Ilagay lang ng direkta ang katas ng kamatis o ng napili ninyong prutas sa mukha. Ibabad ito ng sampung minuto. Pagtapos ay banlawan ito ng malamig na tubig.

Sa loob ng dalawang linggo ay mapapansin agad ang epekto nito sa ating mukha.

Show comments