Signs ng krisis sa breakdown

Ang taong nakararanas ng nervous breakdown ay puwedeng makontrol ang haba ng atake kung magi­ging aware na malaman ang maagang sign ng stress na nagpapa-trigger kung bakit hindi nito maharap ang sitwasyon. Maaaring makahingi agad ng tulong upang mapaikli ang krisis ng problema. Mas madali kung ang close o kasama ng pasyente ay makita agad ang early signs upang mag-abot ng tulong sa kaibigan o miyembro ng pamilya.

Ito ay depende sa indikasyon na kadalasan ay bago o mas malalang negatibong emotions na ipinapakita nito gaya ng depression, kalungkutan, kawalan ng pag-asa, pagkabalisa, at karaniwang pangangamba nito.

Dahil sa sobrang pressure sa specific na responsibilidad mula sa academics, hindi makayanang duties sa trabaho o bahay, at dahil sa ibang member ng pamilya. Pagbabago ng behavior kasama na ang pagkain, pagtulog, ‘di nakakapunta sa mga appoinments, lumalala ang hindi pag-aalaga sa sarili, o pagbaba ang atensyon sa normal na activites.

Ang mga nasabing warning signs ng nervous breakdown ay kailangan mapansin agad upang mabigyan ng treatment o intervention para hindi na lumala o mapaikli ang kanyang breakdown.

Show comments