Snow leopard napagkamalang pusang gala

Taong 2008 nang iuwi ng isang herdsman (mga taong nag-aalaga sa domesticated na hayop) na taga-Xinjiang Uygur Autonomous Region of China ang dalawang cute na baby animals na inakala niyang pusang gala.

Habang lumalaki ang mga “pusa” napansin ng herdsman na si Zhang Peiwei na kakaiba ang gana ng mga ito sa pagkain. Mabilis din gumalaw ng mga ito kaya nagsimula na siyang mag-research ng tungkol sa kanyang mga alaga.

Ayon sa China.org, hindi pala basta pusa kundi snow leopard ang kanyang inalagaan.

Sa tulong ng ilang animal organizations, nagpasya si Zhang Peiwei na patuloy na alagaan ang mga ito.

Show comments