Payag ka bang magtrabaho sa ibang bansa si misis/mister?
* Sino ba ang ayaw mangibang bansa? Dati akong OFW, pero kapag may anak kang babae ay kailangan mong makuntento kasama ang mga bata. Hinahayaan ko na lang si mister ang mag-abroad tutal naman nakakaraos pa rin kami kahit paano. Saka na kapag nakatapos na silang mag-aral. – Banjie, Imus
* Aba, pinilit ko talaga ang mister ko na isama niya kami ng dalawang anak niya sa Australia. Tutal naman puwedeng mangyari dahil maganda ang kanyang posisyon bilang chef. Eh ‘di magkakasama na kaming pamilya. Yun ngang magkakasama kami nagagawa na rin ng mister ko na mambabae. Kaya pinilit ko siya na isama kami lagi kahit saan siya magpuntang bansa. – Sowie, Del Monte
* Wala kaming balak ng mister ko na mag-abroad. Maganda naman ang trabaho namin. Kahit minsan kinakapos, pero okey lang masaya naman kami. Ang mahalaga magkasama kami ng asawa at mga anak ko. Nasa abroad nga ang mister mo, pero ayaw kong lumalaking walang ama na susubaybay sa ang mga anak namin. Hindi worthy it na ipagpalit sila sa pera. – Wayne, Makati
- Latest