Payag ka bang magtrabaho sa ibang bansa si misis/mister?

“Medyo mahirap na tanong yan pero sa ngayon hindi. Kasi pareho naman kaming may tabaho ngayon. Hindi ko pa nakikita yung need na magtrabaho siya sa ibang bansa. Kaya pa naman namin. Saka siguro hindi siya, ako na lang ang aalis. If ever man na may aalis, siguro ako yun at hindi si misis. Kasi iba pa rin kung nanay ang nag-aalaga sa mga anak.” - Ben, Cavite

“Actually, nasa ibang bansa na ang misis ko ngayon. Pero napag-usapan na namin na uuwi na siya rito. Mag-iipon lang daw siya ng pang-business namin. Mahirap kapag hiwalay kayo. In our case, may isa na kaming anak, two years old na po ang anak namin kaya ayun gusto na rin niya umuwi kasi nami-miss niya at ayaw niyang lumayo ang loob sa kanya.”  - Vincent, Caloocan

“Depende... Pwede sana pero sana dalawa kami. Wala pa kaming anak ni misis kaya hindi pa ganun kalaki ang gastos. Naisip na naming mangibang bansa pero sabay kami. Ayaw namin maghiwalay, dalawang taon pa lang kaming kasal. - Leo, Guimaras

“Hindi, ako ang lalaki kaya dapat ako ang humanap ng paraan, Hindi na rin siguro aabot sa ganoong point na kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi namin kakayanin yun. Hehehe.” - Arland, Aklan

“Hindi. Bago pa man kami magpakasal napag-usapan na po namin yan. Nagkasundo kami na walang aalis ng bansa. Aalis ako, hindi siya, kung talagang hindi ko na kayang buhayin ang pamilya ko. Sa ngayon stable naman kami. Nag-iipon din ako ng pera para sa tindahan ni misis para kahit nasa bahay lang siya, may libangan at napagkakakitaan siya.” - Rei, Rizal

 

Show comments