1. Iwasan ang mga pagkaing may matapang na lasa
Ang mga pagkain na may matapang na lasa gaya ng mga pampaanghang (spices), bawang, at sibuyas ay isang dahilan din kung bakit nagkakaroon ng amoy ang katawan. Maaari kasing mapunta sa pawis ang amoy ng mga pagkaing ito at magdulot din ng body odor.
2. Panatilihin ang kalinisan sa sarili.
Ang pagiging malinis sa sarili ang pangunahing paraan para maiwasan ang mabahong amoy ng katawan. Gawin nang regular ang paliligo, lalo na kung mainit ang panahon o kaya ay nagpapapawis sa paglalaro ng sports, o pag-eehersisyo. Tiyakin din na masasabon nang maayos ang buong katawan lalo na sa kili-kili. Uminom din ng 10-12 baso ng tubig araw-araw.
3. Labhang mabuti ang mga damit.
Labhan ang mga damit na gamit na. Gumamit ng detergent na maasahan upang makatiyak na malilinis nang mabuti ang mga damit. Hanggat maaari, huwag nang umulit ng damit lalo na kung ito ay napagpawisan na sapagkat dito rin nagsisimula ang pagkakaroon ng mabahong amoy ng katawan.
4. Gumamit ng deodorant
Pagkatapos maligo, gumamit ng deodorant nang maiwasan din ang pagkakaroon ng amoy sa katawan. Maaring gumamit ng tawas o iba pang produkto na mabibili sa mga pamilihan na mabisang pangontra sa body odor. Mabisa rin ang baking soda.