November 17, 1981, ganap na alas tres ng madaling araw na ikinokonsiderang ‘the devil’s hour, bumagsak ang scaffolding ng unang palapag ng itinatayo pa noong gusali ng Manila Film Center na pagmamay-ari ng mga Marcos.
Si Imelda Marcos ang mismong tumututok dito.
Halos lampas sandaang construction workers diumano ang nalaglag at nadaganan ng mga bakal, ang iba pa sa kanila ay natusok sa steel bars at nabuhusan ng quick-drying na semento.
Agad na nakarating kay Imelda ang balita, pero ang nasa isip niya lang ng mga panahong iyon ay ang matapos ang kanyang teatro kaya naman inutusan na lang niya ang ibang mga tauhan na buhusan na lamang ng semento ang mga biktima.
Sampung oras ang itinagal bago napasok ng press at rescuers ang nasabing gusali para iligtas ang iba pang natitirang buhay.
Dahil sa kasagsagan pa ng Marcos Martial Law noon, hindi ipinalabas sa media ang nangyari at hindi rin ito nagkaroon ng record – ibig sabihin lang na wala pa ring hustisya ang nangyari.
Simula noon, palagi nang nakakarinig ng mga iyak na para bang nanghihingi ng tulong, mga kakaibang anino, at hangin na sobrang lamig pag dumampi sa iyong balat.
Marami nang ritwal ang ginawa sa gusaling iyon upang itaboy umano ang masasamang espirito pero hindi sila nagtagumpay. Patuloy pa rin ang kamalasang nangyayari.
Naniniwala ang marami na ang mga pagpaparamdam na ito ay galing sa mga biktimang na-trap ang kaluluwa sa Manila Film Center na haunted na ngayon.