Dapat ang anak natin ang kinokonsiderang priority para maturan na unang responsableng inaakay sa tamang landas ng magulang. Upang maturuan ng mga tamang prinsipyo at magkaroon ng gabay. Pero nagiging mahirap lalo na sa mga teenagers. Ang simpleng conversation sa kasalukuyan ay nagiging challenge pa sa maraming kabataan lalo na ang boys na para bang ayaw makipag-usap.
Pero huwag sumuko na patuloy na himukin ang mga anak. Maging handa sa mga moment na mag-shift ang kanilang moods at saka sila magsasalita. Kapag nagkaroon ng koneksyon na magbukas ang anak ay samantalahin ang pagkakataon sa inyong harapan. Ang teenager ay may time na hindi nakikipag-usap na challenge sa magulang.
Huwag mag-give up na i-reach out ang anak na nangangailangan din ng love na magma-mature sa tamang panahon. Masakit ang rejection ng mga anak, pero huwag tumigil na mahalin ang mga anak na kailangan lamang ng pasensiya upang sila ay gabayan at turuan.
Ano ba ang mga dahilan ng distansya at paghihiwalay sa pagitan ng mga anak? Maaaring normal na minsan ay nakakaligtaan ang anak, pero kailangang maispotan ang mas nangangailangan ng atensyon.
Kailangan lamang ng patuloy na panalangin at magkaroon ng pasensya upang ma-develop ang relasyon sa mga anak.