Naudlot na suwerte

Panaginip: Napanaginipan kong nanganak ako pero namatay ang baby girl. Damang-dama ko ang aking lungkot. Iyak ako nang iyak sa panaginip. Totoong buntis ako sa aking pangalawang anak. Isang buwan na ang aking tiyan. May masama bang ibig sabihin ito?---ZMB

Interpretation: Wala naman. May iniisip ka lang na hindi maganda sa iyong waking life kaya pagtulog mo ay dala-dala mo pa rin ito sa iyong isip at nag-manifest naman sa iyong panaginip.

Ang batang babae (anak o hindi) ay simbolo ng biyaya. Ang pagkamatay niya ay nangangahulugan ng pagkawala ng biyaya. Para bang naudlot na suwerte.

Show comments