Dear Vanezza,
May bf ako ngayon. Ang problema ay kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi na ako virgin. Natatakot akong ma-turn off siya sa akin na kapag nalaman niyang hindi siya ang nakauna sa akin. Takot ako na hiwalayan niya ako. Ano po ang gagawin ko? – Belle
Dear Belle,
Kung totoong mahal ka ng inyong BF, hindi na mahalaga sa kanya ang iyong nakaraan. Bagkus ay tatanggapin at mamahalin ka niya ng buo. Dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang inyong kasalukuyang relasyon.
Sumasainyo,
Vanezza