Tagal ng nervous breakdown
Ang senyales na ang indibidwal na dumadaan sa nervous breakdown ay kasama na ang pagbagsak ng performance nito sa work, school, at ibang activities, hindi ma-manage ang responsibilidad, pati hygiene ay napapabayaan, personal appearance, may mood swings, silakbo ng damdamin, nahihirapan mag-isip, hindi makapag-concentrate, lumalayo sa tao, nakararanas ng depression o anxiety, hindi kayang harapin ang stress, at pati housekeeping ay hindi maharap.
Kung kaya ang nervous breakdown ay nangangailangan ng treatment. Kung hindi gagamutin, maaaring matagalan ang pag-recover at puwedeng masundan pa ng susunod na insidente.
Ang nervous breakdown ay hindi diagnosable na mental health condition. Ibig sabihin walang official criteria na mailarawan at hindi rin masabi kung hanggang kailan. Ang ganitong mental health crisis ay highly variable na puwedeng magtagal ng ilang oras o ilang linggo.
Ang risk factors sa nervous breakdown kung mas maraming tao ang nakararanas ay malaki ang tsansang magtagal ang breakdown.
- Latest