Healthy food na laman ng refrigerator
Naisip ba ninyo kung ano ang makikita sa loob ng refrigerator na dapat ay masustansya. Ano ba ang mga dosenang pagkain na puwedeng hanapin sa loob ng ref?
Chicken – Madalas nakikita ang mga fresh na slice lalo na ang mga tirang piniritong manok. Siguraduhin lamang na ang napiling malamig na manok ay walang added na nitrates, walang antibiotic, o hormones na nabibili sa palengke.
Itlog – Tiyak na hindi nawawalan ang itlog sa loob ng ref. Upang lutiin gaya ng nilagang itog na loaded ng vitamins, minerals, viamin D, B, chroline, at iba pa. Mayaman din ito sa protein, healthy fats, carotenoids lutein, zeaxanthin na importanteng kailangang para magkaroon ng healthy na vison, brain, heart, at iba pa.
Tubig – Kung gamit ang fresh spring water na hindi lang malinis, kundi may amount din na minerals, sodium, potassium, calcium, magnesium, at iba pang elements. Puwede rin ang mineral water na carbonated na maganda sa katawan.
Gulay – Isa sa laging overcook na gulay ay ang repolyo na kaparehong phytonutrients ng broccoli at cauliflower na matatagpuan din sa loob ng fridge. Siguraduhin lamang na nakabalot ito sa papel upang hindi malanta agad pagkatapos hiwain. Dahil puwede pa rin i-chop ang repolyo upang magamit sa salad tulad ng coleslaw.
Prutas – Tulad ng berries, ubas, at iba pa na mababa ang low calories pero puno ng fiber o antioxidants na mabuti sa puso at brain.
Marami pang pagkain na puwede ilagay sa loob ng bahay upang maging healthy ang laman ng refrigerator. Tiyakin lamang na tamang ang pagkakalagay ng pagkain upang hindi agad malanta o mahinog ang gulay at prutas.
- Latest