Ang dishwasher ang pinakanagagamit na appliances sa bahay, pero pagdating sa maintenance ay marami ang nakakaligtaan ito.
Kapag hindi regular na nalilinis ay paglalanguyan ito ng bacteria, fungus, babaho, at madaling maluma o masira ang dishwasher mismo.
Maiiwasan na bumili ng mamahaling dishwasher kung pangangalagaan ang gamit na tiyak ay magtatagal nang ilang taon.
Matutunan lang na linisin ang dishwasher ng suka at baking soda gamit ang sponge.
Tanggalin muna ang laman ng rack saka pahiran ng sponge o brush ang lahat ng bahagi dishwasher.
Saka hugasan sa gripo at patuyuin tiyak na brand new uli ang dishwasher na mawawala rin ang mabahong amoy. Malalayo pa sa sakit ang pamilya sa malinis na dishwasher.