Pagkaing pang romansa

Epektibo ba talaga ang mga pagkaing aphrodisiacs? Para malaman ang sagot ay kailangang subukan.

Narito ang mga pagkaing sinasabing ‘pampagana.’

Sili - Hindi lang dahil sa kulay na pula ng bu­ngang ito na simbolo ng pag-ibig, kinokonsidera itong natural aphrodisiac food kundi dahil na rin sa taglay nitong anghang na ‘nagpapainit.’

Pero base sa siyensiya, ang sili ay nag-i-sti­mulate ng endorphins (ang  feel-good chemicals sa brain) na nagpapabilis ng tibok ng puso at sanhi ng pagpapawis na siyang nararamdaman kapag naa-arouse, ayon kay Dr. Meryl S. Rosofsky sa panayam ng New York Times.

Avocado - Hugis pa lang ng avocado ay pang-romansa na bukod pa sa flavor nito para ikonsi­derang aphrodisiac food noon pang unang panahon ng mga Aztecs.

Ngunit alam ‘nyo bang ang avocado ay may  high levels ng vitamin E na makatutulong para mapanatili ang magandang kutis para magmukhang bata at kaakit-akit.

(ITUTULOY)

Show comments