Ampalaya salad

Simple pero sagana sa sustansya ang ampalaya salad. Pagsasama-samahin lang ang ingredients at maaari na itong i-partner sa prito o inihaw na ulam.

Narito ang simpleng recipe mula sa Panlasang Pinoy.

Ingredients

1 medium na ampalaya, hiniwa ng maninipis

1 sibuyas

1 kamatis, tinanggalan ng buto

1/2 cup vinegar

1/2 teaspoon ng paminta

1 teaspoon ng puting asukal

1 tablespoon ng asin

Instructions

1. Lagyan ng asin ang papayang hiniwa. I-rub ito at ibabad sa asin sa loob ng 30 minuto para matanggap ang sobrang pait nito.

2. Pagkatapos nito ay hugasang mabuti ang ampalaya para matanggal ang sobrang alat nito.

3. Pagsama-samahin sa isang bowl ang ampalaya, sibuyas, kamatis, suka, asukal at paminta.

4. I-ref ito at ihanda kasama ang masarap na ulam. Burp!

Show comments