‘Di tulad ng nauusong tan o morena skin, alam niyo ba na noong 18th century ay usung-uso ang maputi at maputlang mukha, lalo na sa western countries?
Para sa kanila, ang may maiitim na balat ay para sa mga alipin na babad sa pagtatrabaho sa labas samantalang ‘pag maputi ang iyong mukha, ibig sabihin ay ikaw ay yayamanin.
Gumagamit ang kababaihan noon ng strawberry bilang toner at wine para mapanatili ang maputla nilang mukha.
Noong 1700s, ang gamit namang make up ng kababaihan ay tinatawag na ceruse. Isa itong substance na gawa sa white lead at suka. Kahit na mapanganib ang naturang make up, ito pa rin ang numero unong kolorete ng mga babae noon.
Ilan sa side effects nito ay muscle paralysis, pagkalagas ng buhok, problema sa pag-iisip at marami pang iba.
Pinaniniwalaan na ito ang dahilan ng pagkamatay ni Queen Elizabeth I.