Sa edad na 30 years old ay mayroong isang lalaki na maagang nakaranas ng sintomas ng ALS na karaniwang Lou Gegrig’s disease. Dati siyang matagumpay na high-school football coach, pero ngayon ay binibigyan na lamang siya ng tatlong taon para mabuhay.
Yung misis niya ay binabasa na lamang ang labi ni mister tuwing nakikipag-usap sa asawa. Minsan ay namutawi sa labi ng lalaki na sana ay mas magandang mamatay na siya. Napaiyak na lang si misis. Pero pinalakas ni misis ang loob ng mister. Ngayon ay inabot pa ng sampung taon ang kanilang pagsasama na hindi sumusuko sa “for better or worse” na journey ng kanilang buhay may-asawa. Tini-treasure ang bawat sandali ng kanilang pagsasama.
Huwag nang maghintay pa ng dramatic na sitwasyon bago pagsilbihan ang asawa upang tuparin ang sinumpaang pangako na magsasama sa hirap o ginhawa ng buhay.