Prinsesa ng pamilya ‘di na virgin

Dear Vanezza,

Ako ang bunso na prinsesa ng pamilya. Mahigpit na bilin ng magulang ko na huwag daw muna akong magkikipag-BF. Pasimple lang akong tumatalikod na sumasagot ng “opo.” Pero ang hindi nila alam ay hindi na ako virgin sa  na-meet ko lang sa online na hindi ko naman BF. Nagsisi po ako sa nangyari. Siyempre hindi ko  naman masabi sa nanay o tatay ko. Kung nakinig lang sana ako sa magulang ko magiging proud sana sila sa akin. Bakit ba nasa huli ang pagsisisi? – Noami

Dear Noami,

Ang importante ay natuto ka sa iyong pagkakamali. Kaya lang hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Ma­ging wise this time at makinig sa iyong parents na walang ibang hiling kundi gabayan ka sa iyong buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments