Lifestyle at self-care ng nervous breakdown
Ang pagbabagong buhay ng lifestyle at pagkakaroon ng self-care ay mahalagang bahagi sa recovery mula sa nervous breakdown. Ito ay upang mapanatili ang progreso ng therapy para maiwasan ang stress na mag-build up o magkaroon ng break point uli. Maraming tao na nakaranas ng nervous breakdown ay kailangan ng kongkretong hakbang upang mabawasan ang stress sa kanilang buhay.
Kadalasan ay hindi sapat ang simpleng paggamit ng mga healthy na strategies na malampasan ang mga pabigat sa buhay. Kailangan ay bawasan o tuluyang magbagong buhay ng mga bagay na nagbibigay kontribusyon sa breakdown na makatutulong bilang aid para sa recovery at ma-prevent ang future na insidente. Ang pagbabago ng pasyente ay depende sa indibidwal, halimbawa ay bawasan ang oras nang mahabang trabaho. Bawasan din ang mga responsibilidad na kung puwede naman i-delegate sa iba, kaysa sa akuin lahat ng task. Kung kinakailangang magpalit ng trabaho na hindi kailangan ma-stress o mapagod para hindi ma-trigger ang sobrang alalahanin sa buhay.
- Latest