Gusto naman talaga ng mga anak na tumulong sa bahay. Pero minsan hindi feel ng mga anak ang gawaing bahay. Kaya panatilihin ang positibong vibes na gawin ito sa pagbibigay ng praises o papuri sa kanilang aksyon.
Kahit sa simpleng pagsampay nito ng damit na sabihing proud sa ginawa ng anak. Magpasalamat kapag inilabas nito ang basura o ibang task.
Nade-develop sa anak ang sense of ownership sa mga paulit-ulit na aksyon. Ang tuluy-tuloy na komunikasyon ay nakatutulong na magkusang loob ang anak kahit sa ibang sitwasyon ayon sa mga experts.
Gaya rin kapag nasimulan na magkaroon ng study habits o paglalaro ang bata na kalaunan ay makakasanayan na rin ng anak.