Home-made Chili Oil

Ang chili oil ay common Asian condiment na paborito nating mga Pinoy.

Paborito itong ilagay sa dumplings, noodles, at sa kahit na anong dish na gustong paanghangin.

Ingredients:

1 cup vegetable oil

1/4 kilo garlic, chopped

15 pieces bird’s eye chilies (pwedeng magdagdag depende sa anghang na gusto ninyo)

1 tablespoon salt

1/4 teaspoon ground black pepper

2 tablespoons brown sugar3/4 cup water

Igisa ang bawang sa oil ng limang minuto.

Ilagay ang sili, brown sugar, asin at paminta.

Iluto ito sa loob ng limang minuto sa mahinang apoy.

Ilagay na ang tubig at hayaan itong mag-simmer ng 30 minutes hanggang maging dark brown ang garlic. Haluin ito upang hindi masunog.

Kapag lumamig na ay maari na itong ilagay sa malinis na bote. Tatagal ito ng hanggang dalawang buwan.

Show comments