Yakap ng magulang sa anak

Isa sa pinakamalaking pangangailangan ng mga anak na kahit ano ang kanilang edad, ito ang physical na touch. Ang regular na yakap, paghalik, at paghawak ng kamay ay simbolo ng pagsasabi na mahal ang mga anak.

Nung maliliit pa ang mga anak, sinisigurado na may panahon sa anak na kinakarga pa sa kandungan. Niyayakap kahit walang dahilan. Pero may special na tradisyon ng affection bawat araw tulad ng pag-kiss bago matulog at pagyakap sa paggising sa umaga.

Umuuwi nang maaga sa hapaon na kahit busy sa mga gawaing bahay ay may pagkakataon na niyayakap ang mga bagets. Nagsisilbing routine ang pagyakap sa anak. Parang laro lang nina papa bear, mama bear, at baby bear para sa mahigpit na yakap o group hug. Aliw na aliw rin ang mga maliliit na anak na enjoy nakikibungisngisan at humahalagpak ng tawa sa mga kiliti nina nanay at tatay.

Kahit naman ngayon ay ngumingiti ang mga anak kapag niyayakap ang anak para sa tradisyonal na affection.

Ang teenagers kahit ang nakakatanda ay kailangan ng loving touch. Kinikis­kis pa ng anak ang kanyang mukha sa pisngi ni mama. Yakap agad ang sukli ni nanay na nagugulat sa biglang paglaki ng anak. Pero love pa rin ng anak na siya niyayapos ng magulang.

Kamusta ang relasyon sa mga anak na may hahabulin o ayusin ba na problema.

Puwedeng idaan sa masarap na lambing na haplos na kailangan ng mga anak. Galing ka ba sa mayapos at mayakap na pamilya? Paano i-express ang affection ng magulang? Sino sa miyembro ng pamilya ang nangangailangan ng yakap? Huwag pigilan na ipahayag ang love sa inyong anak na kahit may edad na ay naghahanap pa rin ng yakap at atensyon ng magulang.

Show comments