Hindi bababa sa walong rescuer ang nagtulung-tulong sa Germany para saklolohan ang dagang naipit sa isang manhole dahil sa katabaan nito.
Ilang oras na palang nasa manhole ang kawawang daga. Mabuti na lamang at nakita ito ng dalawang bata na agad na ipinagbigay-alam sa kanilang mga magulang na tumawag naman ng rescuers.
“We don’t make any difference between animals,” sabi ni Andreas Steinbach, spokesman ng animal rescue organization. “We don’t kill animals, we rescue them.”
Agad ngang naging viral ang istoryang ito na orihinal na nai-post sa Facebook. Marami ang namangha sa kabaitan ng mga rescuer sa Germany. At sana, tularan pa sila ng marami.