Hitik ang balat ng saging sa maraming nutrients at carbohydrates. Nagtataglay din ito ng vitamin B6, B12 magnesium at potassium.
Kaya naman h’wag basta itapon ang balat ng saging dahil marami rin itong hidden benefits.
Pampalambot ng kutis – Swak ang balat ng saging sa problema sa dry skin, panlaban sa wrinkles, at taghiyawat. Maghalo lamang ng balat ng saging sa honey at durugin ito. Ipahid ito sa buong katawan bago maligo at banlawan pagkalipas ng 5-10 minuto.
Namumugtong mata – Hindi lang pipino ang may kakayahan na alisin ang puffy eyes dahil panlaban din ang balat ng saging sa mga ito.
Ipatong lang ang mismong balat ng saging sa pagod na mata.
Pampawala ng peklat – Ipahid ang loob na bahagi ng balat ng saging sa peklat na bagu-bago lamang para ma-absorb nito ang vitamins at nutrients ng balat ng prutas.