Team work sa tahanan

Nanay huwag akuin ang lahat ng res­ponsibilidad sa gawaing bahay. Ngumiti at imbitahan ang iyong anak na lalaki na tumulong kahit pa matatagalan ang trabaho. Kailangan ng team work, kaya importante ang bawat sandali na kasama ang bata at sa lesson ng isang araw na puwede niyang matutunan. Balang araw ay mapapakinabangan ng anak kapag may abilidad na ito.

Kapag inanyayahan ang anak na mag-participate, makararamdam ito na mahalaga siya. Nanamnamin ito ng anak para ariin ang inyong tahanan at magkakaroon ng pride na panatilihing malinis at maayos ang bahay.

Show comments