Ang words o salitang binibitiwan ay pinaka-powerful na puwedeng magpapalakas o babali sa iyong kalooban.
May dating paslit na nabuhayan ang loob sa paghamon ng kanyang tatay na sundin ang kanyang pangarap sa buhay kahit sa kabila nito na kailangang tawirin ang ilang ilog at maglakad nang mahigit 30 minutes papunta sa kanyang eskuwelahan.
Ang bata pa naman ay pang-apat sa anim na magkakapatid. Ang tatay nito ay isang magsasaka at isang simpleng maybahay ang kanyang nanay. Maraming beses na gusto na ng bata na sumuko at tulungan na lamang ang kanyang tatay sa bukid. Pero ang payo ng ama ay gawin nito na magsikap sa kanyang pag-aaral, upang hindi raw danasin ng bata ang hirap na pinagdaanan ni tatay. Panalangin naman ni nanay nawa’y magtagumpay ang anak balang araw.
Mabuti na lang ay hindi pinanghinaan ng loob ang bata, dahil ngayon isa na siyang matagumpay na teacher sa kanilang lugar ngayon. Si teacher naman ngayon ang nagbibigay inspirasyon sa pagsasabi ng magagandang salita na iiwan sa bata.