Maraming dahilan kung bakit ang paglalakbay ay nakaka-addict. Hinahatak ka nito sa iyong comfort zone at nagbibigay ng masarap na pakiramdam ng kalayaan. Napu-push ang iyong limits at napapalawak ang iyong pananaw. Nagkakaroon in touch sa iyong sarili at natutunan na ma-appreciate ang buhay.
Ang ibang nakaka-addict at magandang bagay sa pagta-travel ay ang pagkakaroon ng kaalaman at karanasan patungkol sa ibang kultura.
Imagine halos 195 na iba’t ibang kultura mula sa iba’t ibang bansa ng panig ng mundo kung kaya maraming pagkakataon na makawala sa iyong sarili tungo sa walang limitadong kultura at tradisyon.
Ang iba ay talagang kuhang-kuha ang imagination sa mga pelikula at libro samantalang marami pa rin ang misteryoso at nakatagong kuwento mula sa modernong mundo.
Gaya ng Huli ang pinakasikat na tribo mula sa Papua New Guinea, isang isla sa Ocenia ang tahanan ng mga unique na traditional na tribo. Ang Huli ay matatapang na mandirigma na walang kinakatakutan. Kilala ang mga ito sa pagpipinta ng mukha at katawan na bright yellow na Ambua na isang sacred clay at red ochre na may kakaibang headdress ang mga kalalakihan.
Ang mga lalaki ay naglalagay ng cassowary quills o parang stick na nakatusok sa kanilang ilong, balat ng ahas sa kanilang noon, hornbill beak sa kanilang likod, kina shell sa paligid ng kanilang leeg, at buntot ng sa kanilang baywang bilang belt upang pang-akin sa mga kababaihan.