Kung Bakit ‘Di Ma-achieve ang orgasm?

Kung inaakala ng mga babae na komo hot sila pagdating sa pakikipagtalik ay abot kamay na lamang na ma-achieve ang orgasm. Sino ba ang hindi gustong makarating sa glorya? Kung hindi ka la­ging ‘glorious’, hindi ka nag-iisa dahil may mga bebot ang sawi na ‘di maabot ang sukdulang happiness sa pakikipag-sex.

Ang masaklap nito ay may mga bagay na karaniwang ginagawa ang mga babae dahilan pala para magkaroon ng problema sa pag-oorgasm.

Hindi nagma-masturbate - Dahil nasa ating kaisipan na ang pagma-masturbate ay immoral, hindi ito ginagawa ng marami.

Ngunit alam n’yo bang may direktang epekto ang hindi pagma-masturbate sa pag-o-orgasm kapag ikaw ay nakikipag-sex?

Ayon sa mga eksperto, ang kakayahan ng mga babae na magpantasya at gamitin ang kanyang imahinasyon kapag nagma-masturbate ay makatutulong para mawala ang kanyang creative inhibitions pagdating sa pakikipag-sex.

Makatutulong din ang masturbation para malaman ng isang babae kung ano ang mga bagay na gusto at ayaw niya sa pakikipag-sex.

Inirerekomenda ang pagma-masturbate ng isa o dalawang beses sa isang linggo. (Itutuloy)

Show comments