Mayo at Setyembre namumunga ang karamihan ng mga puno ng avocado. May iilan din namang namumunga ng Enero hanggang Marso ngunit asahan na mas mahal ang prutas na ito dahil ‘di ganun karami ang produksiyon nito.
Nakapanghihinayang naman kung minsan dahil pag sumapit na ang season nito ay hindi rin naman makain ang lahat dahil sa rami. Ang nangyayari tuloy, nabubulok na lang ito.
Pero alam niyo ba na may paraan para tumagal ng hanggang anim na buwan ang nasabing prutas?
Oo, anim na buwan.
Panatilihing fresh at edible ang avocado sa simpleng paraan na ito:
Hugasan mabuti ang avocado at saka ito balatan, hatiin sa gitna at alisin ang buto.
Magkahiwalay na ilagay sa plastic ang hinating avocado at muling ilagay sa resealable plastic bag at saka itago sa freezer.
Perfect ang frozen avocado sa paggawa ng shake at guacamole para sa dressing o palaman sa tinapay. Burp!