Kung bakit nga ba hindi nag-o-orgasm ang karamihan na problema ng mga babae na nahihirapan na makalasap ng glorya. Ang problema ay may mga normal na ginagawa ng mga babae pero sa malas ay isa sa dahilan pagkakaroon ng problema sa pag-o-orgasm.
MAY EPEKTO ANG INIINOM NA GAMOT - Kung may iniinom na gamot, iminumungkahing alamin ang mga side effects nito. Maaaring ang gamot na iniinom ay nagpapataas ng prolactin levels — isang protein na napapababa ng libido na siyang dahilan ng problema sa pag-o-orgasm.
Ang mga gamot sa blood pressure, birth control pills, at antidepressants ang kadalasang nakakaapekto sa sex life. Maaari ring makaapekto ang antihistamines dahil nakakaapekto ito sa self-lubrication kaya hindi magiging komportable sa pakikipag-sex.
Iminumungkahi na komunsulta sa doctor upang mapalitan ang iniinom na gamot. (ITUTULOY)