Dear Vanezza,
May bf po ako na biglang nawala na parang bula. Minsan lang mag-message na sabi ay busy lang siya. Hindi rin nag-o-online. Malakas ang kutob ko na meron na siyang ibang babae. Pero promise niya na magpapakasal kami ngayong buwan ng Mayo. Hindi ko masabi sa parents ko ang plano naming pagpapakasal kung hindi naman siya nagpapakita o nakikipag-usap na tatlong buwan na. Naguguluhan po ako. Ano ba ang ibig sabihin nun, ayaw na ba niya sa akin? Iniiwan na ba niya ako sa ere? - Merly
Dear Merly,
Malamang ay gusto na niyang makipag-break na hindi lamang niya masabi sa iyo nang harapan. Or else may effort siyang makipagkita sa iyo. Huwag ka nang umasa pa. Tanggapin mo sa sarili na ang dyowa mo ay bahag ang buntot na makipagkalas sa iyo.
Sumasaiyo,
Vanezza