Ganado ang mga babae sa pag-aasikaso sa mga anak kung hindi napapagod. Nakararamdaman ng self-fullfillment bilang nanay ang mga babae na nag-aalaga sa iba’t ibang pangangailangan ng mga bata. Hindi maipahayag ang pribilehiyo na ibigay ni inay sa bawat paglalaan ng oras sa mga anak.
Ito ay isang bahagi lamang ng pagiging babae. Hindi nilikha ang lahi ni Eba upang magkaroon ng kakayahan na mag-alaga at magpalaki lamang ng mga anak. Kundi upang ibigay rin ang pangangailangan ng asawang si Adan.
Ang mga misis ay hindi lang dapat wonder woman na may wisdom kung paano panatilihing balansehin ang pinakamalaking hamon bilang magulang habang panahon; kundi kailangan din makita ng mga anak kung paano rin ma-in love sina nanay at tatay.
Ang pag-aasikaso kay mister ay puwedeng hindi kasing automatic kagaya ng ginagawa sa inyong mga anak, pero hindi ibig sabihin ay hindi na ganun kaimportante ang pagtingin sa needs ni hubby. Maaaring tulungan ni mister si wifey na maging Darna upang mabalanse ni misis na kapwa mapunuan ang pag-aalaga sa kanyang mag-aama.
Pag-usapan kung anong mga practical na paraan upang maging creative na parehong mag-alab na mabuhay ang romance ng mag-asawa kahit pa ang bahay ay puno ng mga anak.