Deviled eggs

Gusto niyo ba ng kakaibang pagkain na pang-merienda? Bukod sa mura at kakaiba, tiyak na gaganahan kayo sa pagkain ng deviled eggs. Madali lang hanapin ang mga kailangang ingredients:

Limang itlog na nilaga Mayonaise Bacon White onionsMustard Salt & pepper

Balatan ang nilagang itlog at saka hatiin sa gitna.

Maingat na alisin ang egg yolk nito ay ilagay sa lagayan.
Ihalo ang egg yolk sa ma­yonise, kaunting mustard, kaunting asin at paminta, sibuyas, at tinustang bacon (hiniwa ng maliliit).
Ilagay ang mixture na ito sa ibabaw ng itlog.
Swak din itong midnight snack, panghanda sa bisita at sa mga party.

Show comments