Ang confidence ng anak ay hindi lang basta nangyayari. Ito ay resulta ng mahabang oras, araw, linggo, o taon nang patuloy na pagsisipag at dedikasyon.
Kung paano i-motivate ang bata na mag-isip gaya ng isang champion kapag kailangan nitong sumali sa isang contest, exam, o school activities.
Ang competition ay bahagi ng buhay. Maging ito ay sa bata o adult na nag-i-enjoy sa challenge ng pakikipagtunggali o pakikipaglaro sa iba. Ang participation ay malaking reward na sa sarili higit pa kung mananalo na bahagi lamang ng icing sa ibabaw ng cake.
Maging ang contest ay isang mahalagang training sa mga young people na kung paano ma-deal na ma-overcome na makipag-compete sa kabuuan ng laro o lipunan. Dapat ituro sa anak na mali ang goal na maging champion agad sa isang contest. Kung iisipin na kaya lamang nagpa-participate ay para manguna, ang ganitong attitude ay nagdudulot na hindi na susubok uli kapag nabigo. Nagbibigay ng unhealthy at negatibong mindset sa anak.