Kung bakit hindi ka nag-oorgasm

Maraming babae ang nahihirapan talaga na ma-achieve ang orgasm.

Kaunti lang talaga ang nakakarating sa glorya.

May time na ‘di ka la­ging ‘glorious’, hindi ka nag-iisa.

Ang masaklap nito ay may mga bagay na karaniwan normal na ginagawa ng mga babae na nagko-contribute pala sa probelama sa pagkakaroon ng problema sa pag-oorgasm.

Laging nakaupo

Kung nag-oopisina, siyempre, lagi kang nakaupo.

Ito ang paraan upang komportable at maayos mong magagawa ang iyong trabaho.

Ang problema, hindi ito maganda sa pelvic muscles. Kapag lagi kang nakaupo, umiiksi ang pelvic muscles na maaaring maging sanhi ng pananakit nito kaya mahihirapang mag-orgasm ayon sa marriage and sex therapist na si Kat Van Kirk, Ph.D.

Tayu-tayo rin ‘pag may time para mapahinga ang pelvic muscles. Lakad-lakad nang konti at kung kaya, at mag-stretching.

Iminumungkahi ang pagse-set ng alarm para ma-remind na kailangang mag-inat-inat.

(Itutuloy)

Show comments