^

Para Malibang

Mister na naliligaw ng direksyon

Pang-masa

May isang babae na bilang babysitter ang humanga sa tatay ng kanyang inaa­lagaan na tatlong batang lalaki. Trinato siyang bahagi na rin ng pamilya na laging kasama sa kanilang mga trips at bakasyon.

Ang husband at tatay ay naging model sa yaya na typical na lalaki na gusto niyang mapangasawa balang araw. Habang nag-aaral sa kolehiyo ay nangangarap ang babysitter na makakilala at ma-in love sa kagaya ng kanyang amo na smart, generous, masayang kasama, committed, at godly man.

Pero nadismaya ang babae na kanyang hinahangaan na “man of the house” ay umalis at iniwan ang kanyang misis at mga anak. Hindi maisip ng yaya kung anong nangyari sa mister na minsan niyang nakilala. Sumulat ang babae sa naging kaibigan na rin niyang lalaki kung ano ang puwedeng pagkakamali na magagawa sa pag-iwan ng pamilya nito.  Natanggap ng lalaki ang sulat, pero hindi nag-work out dahil umalis pa rin ito sa kanilang bahay at sumama sa ibang babae. 

Pero habang nasa honeymoon ang lalaki ay nag-reflect ito at napaisip sa kanyang nagawa. Naiyak ang lalaki na na-realize na naalala niya kung paano niya naimpluwensyahan ang buhay ng babysitter  sa pagkakaroon ng magandang image ng isang pamilya.

Minsan ay naliligaw ng landas ang tao na nakalimutan kung sino siya talaga. Dapat ay nagiging daan para maka-inspire ng ibang tao na nakikita ang tunay na pagkatao. Kung ikaw ito, huwag kalimutan na ipangako na mag-iingat na mag-reflect muna upang makahamon sa iba para hindi rin sila maligaw ng direksyon.

Magkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang totoo tungkol sa love habang magpakumbaba na yakapin ang tunay tungkol sa iyong sarili.

DIREKSYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with