Alam nang lahat ang napakaraming gamit ng baking soda sa maraming bagay at maging sa bisa nito pagdating sa panlinis. Ito ang sagot kung may problema kung paano tanggalin ang amoy ng ulam na nanikit sa mga plastic container, bahay, at damit. Ang kailangan lang gawin ay budburan ng baking soda ang isang malinis na sponge at ito ang gamitin na pamunas sa container. Kung mahirap tanggalin ang mantsa at dumi, ibabad ang container o damit sa 1/4 tasa ng mainit na tubig at 4 na kutsara ng baking soda. Upang bumango ang refrigerator may ibinebentang baking soda fridge packs para matanggal ang amoy at hindi mahawa ang pagkaing ilalagay dito.
Maaari rin panlinis ng gulay at prutas ang baking soda. Maghalo lang ng baking soda at tubig at ito ang ipanlinis sa prutas at gulay.
Pwede rin gamitin ang baking soda para pantanggal ng amoy ng aso sa kama. Budburan lang ng baking soda ang dog bet at maghintay ng 15 minuto bago i-vacuum.