Kung gustong mag-ipon ng pera, mas madaling simulan ang plano ng savings sa maliit na halaga o simpleng pagbabago.
Kahit ang centavo o barya na kapag pinagsama-sama ay nakabubuo ng malaking halaga.
Ang simpleng pagsisimula papunta sa financial freedom ay kailangan lamang ng ilang tricks.
Tulad ng pag-goodbye sa monthly na binabayarang sa cable television.
Ang satellite o service sa pagbayad ng serbisyo para sa panonood ng TV ay isang luho.
Uso na ngayon ang smart TV na automatic na naka-connect sa Youtube. Dahil dito ay puwede nang mapanood ang pelikulang hindi napanood sa sine.
Mura na rin ang mga black box na nagsisilbing satellite sa mga palabas ng mga TV channels na nasasagap ng site.
Isang beses lang bibilhin. Hindi na poproblemahin ang monthly due ng cable.
Mas affordable rin ang subscription sa Netflix para sa mga paboritong TV shows o movies. At least kapag expire na ang load sa Netflix ay may time ka pa na makatipid at makaipon ng ilang buwan.
Puwede na rin panoorin sa Internet ang mga palabas ng mga TV series o shows na ‘di rin napanood kung nagkataon na may pasok sa opisina o school.
Dahil automatic na naka-replay na ang palabas ng mga TV network sa kani-kanilang website. Upang balikan ang mga na-miss na epsidoe.