• Pini-preserve o ginagawang mummified ng sinaunang Egyptians ang mga isda para ialay sa kanilang mga diyos.
• Pinagluluksaan din ng mga sinaunang Egyptians ang pagkamatay ng kanilang alagang pusa sa pamamagitan ng pag-aahit ng kanilang mga kilay.
• Ang howler monkey ay ang pinakamaingay na land animal, rinig na rinig ang kanilang ingay sa tatlong milya.
• Tanging ang seahorse ang may kakayahang manganak kahit lalaki ang kanilang kasarian.
• Kasing haba ng katawan ng chameleon (hunyango) ang kanyang dila.
• Hindi nagpapalit ng kulay ang chameleon para gayahin ang paligid nito, ginagawa nila ang pagpapalit ng kulay para ipakita ang kanilang emosyon at reaksyon.
• Nakakatayo na ang kapapanganak na giraffe pagkatapos ng 30 minuto.
• Kayang makapatay ng isang lion ang simpleng sipa ng ostrich.
• Ginagamit ng mga sinaunang dentistang Griego ang kamandag ng stingray bilang anesthesia.